Ang pagpunta ng Philippine Railways sa DOTC
Sa pagbisita ng Philippine Railways sa Department of Transportation and Communication (DOTC), para matugunan ang mga pagkabahala at reklamo ng ating mga mananakay na hindi naaksyunan ng pamahalaan.
Layunin din na tulungan ng DOTC ang mananakay, dahil sila ang yaman ng ating bansa at para mabantayan ang kaligtasan ng ating mananakay.
Ang Philippine Railways ay isang railway advocate o railway watchdog sa Pilipinas na nagsusulong na padamihin ang mga linya ng tren sa bansa, mapabuti ang serbisyo sa mamamayan at maging No.1 transportation ang mga tren sa Pilipinas.
Mga isusulong ng Philippine Railways na dapat solusyunan ng DOTC
1. Ang kawalang ng mga elevators at escalator sa mga istasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT 1), na nilabag ang batas na nagprorprotekta sa mga persons with disability.
2. Isulong ang freight trains o cargo trains ng Philippine National Railways (PNR), para makatulong sa ating mamayan na hirap na hirap sa araw araw na gastusin.
3. Tignan ang mga status ng ating mga tren mula sa LRT line 1, LRT line 2 MRT line 3 at sa PNR, dahil sa sunod sunod na abrerya sa ating mga tren.
4. Walang CR sa mga istasyon ng Philippine National Railways at sa Light Rail Transit line 1.
5. Maraming pasaway na train trolley drivers, na sagabal sa biyahe ng tren.
6. Walang mga bakod sa kahabahan ng PNR line.
7. Mabababang security level sa mga tren.
8. Isulong ang mga lady train drivers, para hindi na maulit ang aksidente sa LRT-1.
9. Isulong ang railway electrification, para hindi na maghintay ng isang oras ang mga commuters at bigyan ng mga trabaho para sa mamayan hirap makahanap ng trabaho.
10. Walang footbridge na papuntang PNR, na galling sa LRT at MRT.
Tinitiyak din ng Philippine Railways na maipaparating ang mga kahilingan ng ating mamayan sa kinauukulan, para masolusyunan ito sa lalong madaling panahon.
Maraming salamat kay Atty. Elvira Medina ng NCCP.
No comments:
Post a Comment